Advertisers

Advertisers

Malakanyang no comment sa hirit ng Human Rights Watch ukol sa EJK

0 176

Advertisers

HINDI nagbigay ng komento ang Malakanyang ukol sa naging panawagan ng Human Rights Watch hinggil sa isyu ng extra judicial killings o EJK.

Sa ginanap na Malakanyang briefing, binigyang-diin ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles na walang ibibigay na anumang pahayag o reaksyon ang executive branch kaugnay sa usaping ito.

Matatandaan na hiniling ng naturang grupo sa mga member states ng UN-HRC na magpatibay ng isang resoluyon kontra EJK.



Kasunod narin ito ng kanilang paniniwala na umano’y nagpapatuloy pa rin daw ang mga kaso ng EJK sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. (Vanz Fernandez)