Advertisers

Advertisers

Nakulele, police chief, sibak!

0 710

Advertisers

BAGO na ang nakaupong hepe ng kapulisan sa Tanauan City! Iniulat ng ating police insider na pinalitan sa kanyang pwesto bilang police chief ng Tanauan City si P/LtCol. Antonio Rotol Jr.

Marahil nakulele na ang tenga ng mga matataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP), kabilang na sina PNP Director General, Rodolfo Azurin Jr. at Region 4A Director, PBG Jose Melencio Nartates Jr. sa umuugong na balitang may mga kolektor na umiikot sa Tanauan City para ipanghingi ng lingguhang protection money o intelhencia ang pangalan ng mga nabanggit na PNP top brasses.

Dahilan sa di pag-aksyon ng noon ay nakapwestong Tanauan City Police Chief, LtCol. Rotol Jr. kaya nasampolan ito ng “sibakan blues”?



Sa ating pagtataya ay nasa magandang kamay ngayon ang Tanauan City lalo’t ang ipinalit kay LtCol. Rotol Jr. ay si PLtCol. Karlos Lanuza.

Si Lanuza ay dating police chief ng bayan ng Rosario, Batangas na sakop ng 4th District ng naturang lalawigan.

Maraming magagandang istorya na naririnig mula sa mga katotong peryodista tungkol kay LtCol. Lanuza tulad ng pagiging isang “action man” ng nasabing police official. Kapag may reklamong nakarating sa tanggapan ni LtCol. Lanuza ay agaran daw itong umaaksyon.

Tingnan natin kung uubra, aaksyon at magiging masigasig itong si LtCol. Lanuza laban sa grupo ni alias OCAMPO, ang notoryus na operator ng STL-con jueteng at STL-con drug na kilala ding STL bookies sa Brgy. Bagbag, Tanauan City. May rebisahan doon ng taya sa jueteng si OCAMPO kung saan nagpapabenta din ito ng shabu!

Kung hindi naman nagpatumpik-tumpik si LtCol. Rotol Jr. dapat sana ay naaksyunan nito ang talamak na operasyon ng jueteng na hayag din na front ng drug pushing sa nasabing lungsod. Hindi sana ito nasibak sa kanyang puwesto?



Dapat noon pa mang bago pa lamang umuugong ang balita na pagkakaroon ng umaabot sa Php 10 milyon na payola para sa isang opisyal ng Tanauan City Hall at mga PNP official mula sa mahigit sa 30 drug/ jueteng maintainer sa nasabing siyudad ay umaksyon na ito.

Noon pa man sana ay nasupil na ni LtCol. Rotol Jr. ang mga kabulastugang pinaggagagawa ng mga intelhencia kolektor na pinangungunahan ng isang alias OCAMPO.

Talaga namang ginasgas ng husto ng mga ugok na kolektor na kinabibilnagan ni alias OCAMPO, isang alias Ding Rodriguez, Sgt. Aguas at Tata Boy di lamang ang pangalan nina PNP Dir. Gen. AZURIN Jr. kundi pati na ang pangalan ng kauupo pa lamang na Batangas PNP Provincial Director P/Col. Jose Soliba.

Tumataginting na Php 1.250 milyon ang nakikikil kada isang linggo nina alias Ding Rodriguez, Sgt. Aguas at Tata Boy para sa pangalan ng mga nabanggit na PNP top brasses mula sa mga salot na ilegalista.

Samantala halagang Php 1.250 din ang kinokolekta naman ng isang alias OCAMPO sa di kukulangin sa may 30 mga kapwa nito STL-con jueteng at STL-con drug operator sa nabanggit na lungsod para naman sa isang Tanauan City Government official.

Ayon naman sa ating police insider, nag-aambag-ambag ang mga ilegalista para maitustos sa lingguhang tara sa kanila nina alias OCAMPO, alias Ding Rodriguez, Sgt. Aguas at Tata Boy.

Ang iba pang gambling con drug operator sa Tanauan City bukod kay OCAMPO ay sina Melchor alias Taba, Ablao, alias Konsehal Burgos, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Brgy. 7, Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.

Si Melchor alias Taba ay kilala ding operator ng devil machine na kilala ding video karera bukod pa sa pagiging maintainer ng jueteng con drug.

Nag-ooperate din ng jueteng ang ilang babaing shabu pusher na kinabibilangan ng isang alias Ms. Donna, Ms Anabel at Ms Lilian na may rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche samantalang si Ms. Donna naman ay naglulungga sa Brgy. Sambat.

Inaalam pa ng ating mga KASIKRETA kung patuloy sa pag-ooperate ng drug den ang ilan pang kababaihang STL-con jueteng maintainner sa naturang siyudad.

Ang iba pang drug pusher con STL jueteng operator sa Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.

Ang muling pagbabalik ng nasabing sugal ay nag-iwan ng malaking pagdududa sa kakayahan ni Mayor Sonny Collantes na nakilalang magaling at incorruptible official, kaya nahalal na mayor, tinalo ang pambato ng makapangyarihang political clan na Halili family.

Ang pananahimik ngayon ni Mayor Collantes sa naunang isyu ng Php 6 milyon STL- con jueteng payola na suhol umano ni OCAMPO sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City Government ay pagpapakita ng kabaliktaran sa pagsasalarawan kay Mayor Collantes bilang matino at maayos na punong lungsod?

Bilang mayor, inaasahan ng kanyang mga kababayan na kikilos, pahihintuing muli niya (Mayor Collantes) sa pamamagitan ng pagtawag noon pa man sa kanyang ex- police chief LtCol. Antonio Rotol, Jr. na ipatigil na ang sugal na front lamang sa drug pushing sa Tanauan City, tulad ng ginawa niya noong una niyang ipahinto ang STL- con jueteng nang magsimula itong maupo sa kanyang pwesto noong Hulyo 1, 2022. Ngunit di niya ito ginawa. Bakit mayor?

Ngayong si LtCol. Lanuza na ang rumerenda sa kapulisan ng Tanauan City, magagawa kaya ngayon ni Mayor Collantes na atasan ang kanyang bagong hepe ng pulisya para patigilin na ang operasyon nina OCAMPO, Melchor alias Taba, Ablao, alias Konsehal Burgos alias Kap Mario. Kon Perez, Rodel at iba pang kilalang astig at barako sa Tanauan City? Abangan natin…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.