Advertisers
Nasawi ang isang pulis nang pagbabaril ng riding-in-tandem sa national highway sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro, Linggo ng hapon.
Kinilala ng Davao de Oro Police Provincial Office ang pinaslang na pulis na si Police Master Sergeant Rey Binalangbang, na-assign sa provincial supply and accountable office ng Davao de Oro Police Provincial Office at residente ng Montevista sa nasabing probinsya.
Sa ulat, galing umano sa bayan ng Montevista at patungo sa karatig-bayan si Binalangbang sa kaniyang sasakyan nang barilin ang biktima ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Banlag.
Isinugod sa Davao de Oro Provincial Hospital sa Montevista si Binalangbang pero idineklara dead on arrival si Binalangbang.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. Nanawagan sila sa publiko para na makipagtulungan sa mga awtoridad sa ikakadakip ng mga salarin.