Advertisers
ISANG closed van mula sa SLEX ang nahulog sa mga kabahayan sa lungsod ng Muntinlupa, Martes ng umaga.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, mahigit 20 talampakan ang lalim ng bangin kung saan nahulog ang sasakyan.
Sa report, wala namang nasawi sa insidente.
Ayon kay Biazon, nagkaroon lamang ng mga sugat ang driver at pahinante habang ang isa sa mga kasama nila posibleng may pinsala sa kanyang tadyang.
Wala rin tao sa lugar kung saan nahulog ang sasakyan.