Advertisers
Arestado ang magkakapatid na may kaso ng panggagahasa sa kanilang pamangkin at nakatala bilang Rank 6, 7 at 8 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Naaresto ang mga suspek na sina alyas “Jojo”, 34 anyos, construction worker; alyas “Oman”, 35, magsasaka; alyas “Kiko”, 30 anyos, binata, magsasaka ng niyog, at pawang mga resdiente ng Labo, Camarines Norte.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia Presiding Judge ng Branch 64 Labo, Camarines Norte at walang rekomendadong piyansa.
Nobyembre taong 2021 nang pagsamantalahan ni alyas “Kiko” ang 14 anyos na pamangkin na naganap 8:00 ng gabi, araw ng mismong kaarawan ng biktima; at 9:00 naman ng gabi nang pagsamantalahan ng kanyang tiyuhin na si alyas “Jojo”.
Samantala, nangyari naman ang panghahalay na ginawa ni alyas “Oman” sa parehong biktima buwan ng Enero taong 2022 sa ganap na 11:00 ng gabi.
Napag-alaman, na iniwan ang biktima ng kanyang ina sa kustodiya ng kanyang lola at mga tiyuin na kung saan naganap ang mga kahalayan sa tuwing wala ang kanyang lola.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Labo MPS ang mga akusado habang inihahanda na ang mga dokumentong kinakailangan bago ibalik sa korteng pinagmulan ang mga nasabing warrant of arrest.