Advertisers
Malamig na bangkay na nang matagpuan ang isang dating sundalo sa may eastern portion ng barangay covered basketball court ng Brgy. Taguiporo, Bantay, Ilocos Sur
Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Demetrio Barroga Jr. y Vicencio, 54, may asawa, retired member ng Philippine Army, residente ng naturang lugar.
Ayon sa nakita si Barroga sa may eastern portion ng covered court, na hindi na humihinga.
Idineklara ni Dr. Mary Almira Divina, MHO Bantay, Ilocos Sur na patay na ang biktima na nakitaan ng dugo sa bandang ulo at sugat sa kanang tainga.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng Bantay MPS tungkol dito.