Advertisers

Advertisers

Titser, 1 pa ninakawan at pinatay sa Leyte

0 204

Advertisers

Natagpuang duguan at wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay ang isang retiradong guro at ina nito sa Sitio Sais, Barangay Tinago, Palompon, Leyte nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima ang na si Josefina Sumayong, 62 anyos na retiradong guro; at ang ina nito na si Lourdes Verano, 79 anyos.

Sa ulat, Lunes ng umaga naipaalam ng mga kapitbahay sa pulisya ang sinapit ng mag-ina.



Ayon sa report, may mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, narinig na lang umano ng ilang mga kapitbahay na mayroong sumisigaw sa loob ng bahay nitong Linggo ng gabi at mayroong dalawang lalaki na hindi makilala ang lumabas ng bahay at sumakay ng motorsiklo.

Wala sa bahay ang mister ng retiradong guro nang mangyari ang krimen. Ayon sa mister, mayroon umanong nasa P100,000 na pera ang asawa na kinita mula sa kanilang ani sa palay.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ukol sa krimen at hot pursuit operation ang mga awtoridad para tugisin ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">