Advertisers

Advertisers

8,000 ordinansa sa Maynila, rerepasuhin ni VM Yul

0 458

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Vice Mayor John Marvin C. “Yul Servo” Nieto ang kanyang planong repasuhin ang lahat ng mga umiiral na ordinansa sa kabisera ng bansa na umaabot sa 8,000 sa kabuuan at ang mga ito ay planong i–repeal kung hindi na aplikable o amyendahan lalo na kung ito ay mahalaga at magagamit sa kasalukuyang panahon.

Sa isang eksklusibong panayam ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), dinetalye ni Servo ang kanyang koordinasyon sa 38 miyembro ng Manila City Council upang tulungan siyang magawa ang binabalak sa lalong madaling panahon.

“Nagpapatulong ako na malinis namin ang mga ordinansa. Nag-start kami sa luma na noon pang 1918, sa mga obsolete, kailangang i-repeal or i-amend. Di na kasi napapanahon ‘yung iba at dapat repasuhin or ayusin ang mga ordinansang luma,” pahayag ni Servo na siya ring Presiding Officer ng konseho.



Natutuwang binanggit ni Servo na hanggang ngayon ay buhay pa ang ordinansang nag-oobliga sa sinumanng babae at lalaki na dapat nakasuot ng Barong Tagalog at Baro’t Saya kung magpupunta sa kalye ng Escolta.

Sa ilalim ng kanyang plano, sinabi ni Servo na ang katulad na ordinansa na ito ay mapupunta sa committee ng konseho kung saan ito nabibilang. Dahil ang bawat isa sa 38 konsehal ay pinamumunuan ang bawat isang committee, nais ni Servo na magtrabaho ang mga konsehal sa pamamagitan ng pagrerepaso ng mga ordinansang pasok sa kanilang committee.

Intensyon din ng bise alkalde na i-convrne ang council para sa pormulasyon ng pinakamabuti at posibleng solusyon o nararapat na aksyon sa pagrerepaso ng mga ordinansa.

“Hahatiin sa mga committee ang mga ordinansang makita na nangangailangan ng either amendment o repeal” paliwanag nito.

Plano din ng bise alkalde na bumuo ng Information Technology team sa the Records Section upang tulungan ang City Council ng Maynila na mapaganda ang sistema ng pag-iingat mga ordinansa at resolusyon nang sa ganon ay madali itong makita at ma-review.



Higit sa lahat, nais ipakita ni Servo sa mga Manileño na may progreso sa City Council of Manila at maipaalam din sila sa kanila ang mga araw-araw na gawain sa Konseho.

“’Yung mga papers luray na. We aim to achieve ‘yung pagsasaayos, decoding of ordinances. Nakita ko kasi sa Congress ang dali pag nagri-research, ang ginagawa dun ita-type lang ang number or key word,” sabi ni Servo na nagsilbi bilang third district Congressman ng dalawang termino.

Ayon pa kay Servo, isang team na bubuuin ng 20 kawani mula city council at Vice Mayor’s Office ang hahawak sa proseso ng pag-a-amyenda.

“They (team) will codify all penal ordinances so as to keep all such relevant laws in one book to be used by the executive, legislative and judiciary branches of government in the City of Manila,” sabi nito.

Hangad ng bise alkalde na matapos ang plano sa unang taon niya sa tanggapan. (ANDI GARCIA)