Advertisers

Advertisers

Ika-152 Malasakit Center, binuksan sa Tagkawayan, Quezon

0 344

Advertisers

Bumisita si Senator Christopher “Bong” Go, kasama si Sen. Robin Padilla, sa Quezon province noong Huwebes, para pangunahan ang pagbubukas ng ika-152 Malasakit Center, kasabay ng groundbreaking ng itatayong 7 palapag na gusali sa Maria. L. Eleazar General Hospital sa bayan ng Tagkawayan.

Ang bagong bukas na Malasakit Center sa MLEGH ay ang pangalawang center na naitayo sa lalawigan, ang una ay matatagpuan sa Quezon Medical Center sa Lucena City. Ito na rin ang ika-12 Malasakit Center sa CALABARZON.

Nasaksihan ang hirap ng mga Pilipinong may mababang kita sa pagkuha ng sapat na medikal na atensyon, sinimulan ni Go ang programang Malasakit Centers noong 2018 upang mabigyan ang mahihirap na pasyente ng maginhawang access sa mga programang tulong medikal na iniaalok ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.



Kalaunan, ang programa ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, na iniakda at itinaguyod ni Go.

“Mahirap magkasakit lalo na kung ikaw ay mahirap at hindi alam kung saan kukunin ang pambayad sa ospital at pambili ng gamot,” sabi ni Go.

“Ngayon, nasa loob na ho ng hospital ‘yung PhilHealth, PCSO, DOH, at DSWD, tutulungan po ang mga pasyente—mga poor and indigent patients—hanggang maging zero balance po ang inyong billing. Iyan po ang Malasakit Center. Wala pong pinipiling pasyente ‘yan. Basta Pilipino qualified ka po sa Malasakit Center. Inyo po ‘yan, ibinabalik lang po sa inyo sa mabilis na paraan,” dagdag niya.

Ayon sa DOH, mahigit 7 ilyong Pilipino na ang natutungan ng Malasakit Centers program sa buong bansa.

Pinuri ni Go ang lahat ng mga kawani ng ospital na nanumpa bilang permanenteng empleyado ng ospital sa pagsasabing “Congratulations po. Kaya isa lang po ang ipinapaalala ko sa inyo sa mga frontliners dito, social workers, huwag n’yo pong pabayaan ‘yung mga mahihirap po – ‘yung mga helpless at ‘yung mga hopeless.”



Bilang bahagi ng pagsisikap ng senador na higit na mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa pampublikong kalusugan sa ospital, tumulong si Go na makakuha ng karagdagang pondo para sa tulong medikal upang matulungan ang mga mahihirap na residente sa lalawigan ng Quezon.

Kasunod ng pagbubukas ng Malasakit Center, dumalo naman sina Go at Padilla sa groundbreaking ceremony ng 7 palapag na gusali sa loob ng hospital complex.

Si Go ang principal sponsor ng Republic Act 11474 na nag-upgrade sa MLEGH bilang Level-3 hospital sa ilalim ng DOH. Tumulong din si Go sa paglalaan ng pondo para sa upgrade ng ospital sa ilalim ng 2022 Health Facilities Enhancement Program.