Advertisers

Advertisers

Pulis-Cavite lumutang sa Naga River

0 299

Advertisers

NAGA CITY – Nakitang palutang-lutang ang walang buhay na katawan ng isang pulis sa Naga River.

Kinilala ang biktima na si Corporal Jay Jalapadan, 30 anyos, nakatalaga sa Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Team-Cavite.

Sa ulat ng Naga City Police Office, Setyembre 18, 2022 nang makita ang katawan ng isang lalaki sa sakop ng Barangay Mabolo. Suot pa nito ang PNP athletic shorts. Agad naman siyang nakilala ng kaniyang team.



Bago ito, napag-alaman na 9:30 ng gabi September 15, tumungo ang 4-man team sa Matnog, Sorsogon.

At 8:30 ng umaga ng September 16 nang dumating sa Matnog, nakipagkita sa PIT Eastern Samar at ikinostudiya ang isang wanted person. Bumalik ang grupo sa Naga City at nagpahinga muna, dumaan din sa inuman pero bandang ala-una ng madaling araw ng September 17, iniwan ni Jalapadan ang kaniyang teammates at hindi na bumalik.

Nakasaad pa sa ulat ng PNP na bago ito, binanggit ng pulis ang kaniyang mga problema sa negosyo at pagsuporta sa mga kaanak sa Zamboanga City.

Binigyan diin ni PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, na wala itong koneksyon sa Peñafrancia Fiesta.

Ang SOCO walang nakitang sign of struggle, pero nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkahulog nito sa Naga River.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">