Advertisers

Advertisers

Alden inamin, kinabog sa kaparehang si Bea

0 271

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na nga maipapagkaila na Koreanobela adik ang karamihan sa mga mga Pinoy televiewers. At dedma sila sa mga Pinoy adaptation ng ibang Koreanobela lalo na nga’t hindi man lang ito pumantay sa expectations ng viewers.
Para kay Asia’s Multimedia actor na si Alden Richards ay taas noong sinabi nito na ilalaban niya nang sabayan ang Pinoy adaptation na ginawa nila para sa hit na “Start Up” na magkakaroon na ng Television world premiere ngayong Sept. 26, 8:50pm. Kasama ni Alden sina Bea Alonzo, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.
“We have something that we can be very proud of and gano’n naman po talaga. Hindi naman po talaga natin masisisi ang mga fan ng K-drama version kasi, sobrang minahal nila ang show. And base po sa trailer ng show, may laban po kami. May laban po ang show,” say ni Alden.
Bukod sa mga Pinoy na mahilig sa Koreanobela, inamin din ni Alden na naging pressure rin sa kanya ang leading lady na si Bea Alonzo, sa sobrang professional ng aktres.
“Ang nakita ko kay Bea, she puts more pressure on us. Never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya memorized ang linya niya,” dagdag na say pa ni Alden.
***,
LATE 90’s naging mainit ang all girls group na Viva Hotbabes na isa si Andrea del Rosario sa namayagpag sa grupo nila. Ngayon after almost ilang years ay nagbabalik sa sexy movie si Andrea, sa pelikulang “May-December-January” ng Viva Films, a unique love triangle movie written by Ricky Lee and directed by Mac Alejandre at mapapanood na simula sa Oct. 12.
Dalawang young actor ang makakatambal ni Andrea sa naturang movie, sina Gold Aceron at Kych Minemoto. Kapwa nakilala ang dalawang bagets actor sa mga indie movies at boy love movies.
Si Gold ay huling sumabak sa daring love scenes with Cristine Bermas sa “Scorpio Nights” na all-out ang kanyang mga mapangahas na eksena.
Sa “May-December-January” bukod kay Andrea ay may mainit ding eksena sina Gold at Kych.
“Okay lang kasi I’ve previously done a Boy Love series, ‘Love at the End of the World’, na may gay love scenes din. I am just playing a role and I do what my character is required to do. It helps that Kych is dati ko nang katropa so we are really comfortable with each other.
“When we did our love scenes, sabi namin, ilalaban namin ito. Iba yung nadama ko sa eksena with Kych. Nangigigil ako at yung puwet niya, pinisil-pisil ko pa. Happy kami. Love ko si Kych, si Ms. Andrea, si Direk Mac, lahat sila,” say ni Gold. May say din naman si Kych sa love scene nila ni Andrea who is older than his age.
“Nag-uusap muna kaming mabuti before doing our scenes and as Direk Mac says, we should just be guided by the intent of the scene and that helps make our work easier,” say naman ni Kych.