Advertisers

Advertisers

Bangkay ng beybi nakasiksik sa drainage

0 183

Advertisers

ISANG patay na sanggol ang nadiskubreng nakasiksik sa drainage o daluyan ng tubig sa Quiapo, Maynila, sakop ng Barangay 385, Martes ng umaga.

Sa ulat, 8:30 ng umaga nang madiskubre ng mga residente sa Bautista St., Quiapo ang nakadapang sanggol na nakasiksik sa drainage.

Ayon kay Eric De Jesus, 47 anyos, construction helper at residente ng 725 Josephina St. Brgy. 531, Sampaloc, Manila, kasama niyang nagtungo ang kanyang kasamahan sa Bautista Building sa 317 Farnecio St, Brgy. 385 sa Quiapo upang maglinis ng baradong drainage at inodoro.



Habang naglilinis sila gamit ang mahabang plehe, nagulat sila nang makita ang nakabarang patay na sanggol.

Agad itong ipinagbigay-alam kay Amelia Bubon na isa sa mga nangungupahan sa gusali na siyang nag-report sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon ng MPD-Homicide Section kung sino ang nagtapon ng sanggol. (Jocelyn Domenden)