Advertisers

Advertisers

Masungi Georeserve, ibabalik sa normal – PBGen. Nartatez

0 478

Advertisers

Ipinangako ng Police Regional Office 4A (Pro 4A) na ibabalik nila ang pagiging normal sa Masungi Georeserve, sa Tanay, Rizal.

“Pro 4A will restore the sense of normalcy in Masungi Georeserve,” pahayag ni PBGen Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A.

Ayon kay Nartatez, bilang tugon ito sa pagkakakumpiska ng labinlimang (15) baril mula sa isang security agency na iniulat na nananatili sa protektadong lugar sa Tanay, Rizal.



Base sa mga ulat, nakumpiska ng Regional Civil Security Unit 4A ang labindalawang shotgun at tatlong cal. 38 pistola mula sa mga security guard na nakadetalye sa Sinagtala Security Agency sa Sitio Pinagtarangkahan, Cuyumbay, Tanay, Rizal, nang hindi makapagpakita ng lisensya habang nag-iinspeksyon.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa direktiba ni ARD Nartatez na puntahan ang lugar kung saan nakita ang mga armadong kalalalaki noong Setyembre 18.

Sa report, isasailalim sa law-enforcement operations ang naturang lugar dahil sa magkasalungat na pag-aangkin ng ari-arian at ang naiulat na presensya ng mga armadong grupo.(Ernie dela Cruz)