Advertisers

Advertisers

Ryza gigil sa taas ng singil ng tubig, umabot ng 120k; Kim at Xian napapraning ‘pag walang ‘good morning’ sa isa’t isa

0 189

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGNGINGITNGIT si Ryza Cenon sa laki at taas ng water bill nito na ipinost pa nito sa kanyang socmed account.
Paliwanag ng actress na lagi raw may water interruption from 10:00pm to 4:00am tapos pagbalik ng service ng mga 5:00am to 9:00pm ay napakahina naman ng tulo.
Kaya naman takang taka ito kung bakit ganun kalaki ang bills nila na pinapasagot nito sa Maynilad.
Kung last month nga raw ay P1,101.02 ang bills nila sa water,aba ngayon ay mapapamulagat at mapapamura ka nga raw dahil umabot na ng P120,000 ang kanilang bayarin sa tubig.
Kaya di maiaalis ang gigil at inis ni Ryza.
Tsika pa nga ni Ryza, meron ba raw silang carwash para umabot sa ganun kalaki ang water bill nila.
Hindi lang naman si Ryza ang nakakaranas ng ganyan na kahit mismong mga ordinaryong tao ay nagtataka din sa laki ng kanilang konsumo sa tubig.
Hmmmp, ano kaya ang sagot ng Maynilad sa reklamo ni Ryza.
***
Kim at Xian, text at call ikinumpara na malakas pa sa kape ang peg
INAMIN ng real life sweethearts na sina Xian Lim at Kim Chiu na nabubuang sila kapag di nakapag text or call sa isa’t isa.
Nasanay na kasi pareho ang magdyowa na kada morning ay may call or text sila to say Good Morning.
Wala raw patid ‘yun simula na naging sila at parang kasama na sa kanilang daily habit ang morning greet.
As in, kapag walang text at call ang bawa’t isa ay naprapraning ang dalawa.
Kaya naman kada umaga ay obligadong mag-text or call sila.
Pagdidiin pa ng couple na nababaliw or mabaliw-baliw sila kungdi marinig ang boses para sa bati ng ‘Good Morning!’ na ayon pa kay Xian na malakas pa sa kape kapag narinig na ang pag-greet ng gf.
Well, well, well…Yun na!