Advertisers
Binan City, Laguna – Dinakip ang aktor na si Dindo Arroyo matapos itong silbihan ng ‘warrant of arrest’ ng mga otoridad ng Binan City Police Station Martes ng gabi sa Barangay Binan dito.
Si Arroyo, ang tunay na pangalan ay Conrado Manuel Ambrosio II, ay 61 anyos at residente ng Barangay Binan.
Base sa ipinadalang report ni Laguna Police Provincial Office (LPPO) Officer in Charge Colonel Randy Glenn Silvio kay Calabarzon PRO 4A Regional Director, Brigadier General Jose Melencio Nartatez, dinanakip si Arroyo sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng korte sa Sta. Rosa City, Laguna para sa kasong paglabag sa 2 counts ng Republic Act 10175, Cybercrime Prevention Act Law of 2012.
Ang kaso ni Arroyo ay may inierekomendang piyansa na P10,000 sa bawat kaso.(KOI LAURA)