Advertisers

Advertisers

Ika-122 taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, ipinagdiwang ng Lungsod ng Taguig

0 204

Advertisers

Sa pangunguna ng Human Resource Management Office (HRMO), ipinagdiwang ng Lungsod ng Taguig ang ika-122 taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng bansa, sa ginanap na flagraising ceremony ngayong araw, Setyembre 19.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, mahalaga ang kontribusyon ng bawat kawani ng lokal na pamahalaan sa pagsisiguro na ang mga serbisyo publiko ay nakakarating sa mga mamamayan nang mabilis, maayos, at matapat.

Sa pamumuno rin ni HRMO Head Jeanette Clemente, patuloy ang Taguig sa pagpapalawig ng mga programang para sa ikabubuti ng mga empleyado ng lungsod.



Kamakailan lang ay pumirma ng Memorandum of Agreement ang Taguig at ang Social Security System (SSS) upang magbigay ng SSS benefits at loan privileges sa mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) na mga empleyado sa ilalim ng Self-Employed Program.

Matatandaang isa ang Taguig sa dalawang lungsod sa NCR ang ginawaran ng Civil Service Commission ng Bronze Award para sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM).

Ang tema ng ika-122 taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ay “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-ready Servant Heroes.” (CESAR MORALES)