Advertisers

Advertisers

Pagsalakay ng pulis sa bahay ng utol ng lider ng INC iligal – CA

0 208

Advertisers

IDINEKLARA ng Court of Appeals (CA) na iligal ang ginawang pagsalakay ng mga pulis sa bahay ng pinatalsik na miyembro ng Iglesia ni Cristo na si Lottie Manalo Hemedez, kapatid ni INC Executive Minister Eduardo Manalo, noong Marso 2017.

Sa resolusyon ng CA, ang mga nakumpiskang gamit ay hindi katangap-tangap sa korte bilang ebidensya sa isinampang kaso na illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon sa appelate court, maituturing na “fruits of poisonous tree” ang ebidensiya sa kaso laban sa magkapatid na Manalo.



Sa ginawang search and seizure ng Quezon City Police District (QCPD), nasamsam umano ang 74 baril, 46 magazines, 17,491 rounds ng ammo at 89 explosives.

Nakatira ang dalawa sa lupaing pag-aari ng INC na pinagtatalunan sa korte sa pagitan ng pamunuan ng nabanggit na relihiyon at ng magkapatid na Manalo na pinatalsik sa INC noong Hulyo 2015 nang mag-post ng YouTube video na humihingi ng tulong sa kapwa mga miyembro dahil nasa panganib umano ang kanilang buhay.

Inakusahan ni Angel Manalo na mayroong anomalya at korupsyon sa kanilang grupo.