Advertisers

Advertisers

KORTE IBINASURA ANG PETISYON NG DOJ NA TERORISTA ANG CPP-NPA

0 176

Advertisers

HINDI pinaboran ng Manila Regional Trial Court ang petisyon ng Department of Justice (DoJ) na ideklarang terorista ang Communist Party of the Philippines.

Sa mahigit 100 pahina na desisyon ni Manila RTC Branch 19 Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, ibinasura nito ang petisyon ng gobyerno na isinampa noong 2018 sa ilalim ng Human Security Act.

Sabi ni Judge Malagar, walang naipakitang matibay na ebidensya ang gobyerno para sabihin na terorista ang CPP-NPA.



Sa siyam na insidente na tinukoy ng gobyerno na gawain ng mga komunista, isa lamang sa mga ito ang nagpakita ng isang ‘terrorist act’ ngunit hindi tumutukoy sa pangkalahatang gawain ng mga ito.

Hindi rin pinaniniwalaan ng korte ang testimonya ng ilang dating miyembro ng NPA na iniharap ng DOJ sa panahon ng paglilitis.

Ang mga sinabi sa korte ng mga dating kadre ng NPA ay pawang haka-haka lamang dahil hindi nila napatunayan na nanggaling sa mismong founder ng CPP-NPA ang mga gawaing pagpatay o pakikidigma sa tropa ng militar.

Ang armed struggle ng mga komunista ay hindi matatawag na terrorist act kundi isang uri lamang ito ng programa upang depensahan ang kanilang idolohiyang ipinaglalaban, sabi ng korte.

Dagdag pa ng korte, ang mga guerilla warfare na istilo ng CPP-NPA ay hindi matatawag na terorismo.



Ang pangongolekta ng ‘revolutionary taxt’ at pambobomba sa Plaza Miranda noong 1971 ay hindi maaaring gamitin na ebidensya laban sa grupo habang ang anumang political crimes na kinasasangkutan ng mga ito ay hindi matatawag na terrorist act. – Mula sa Radyo Pilipinas