Advertisers

Advertisers

Nobyo balak i-apartelle ang gf sa monthsary, nanghablot ng celfone

0 202

Advertisers

SA halip na magpalamig sa apartelle kasama ang nobya sa kanilang monthsary, sa loob ng mainit at mabahong kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masakote sa panghahablot ng cellphone sa isang pasahero ng van sa Taguig City.

Kinilala ang nadakip na si Moises Dagdag.

Nadakip si Dagdag ng mga pulis na tiyempong nasa C-5 sa kahabaan ng Fort Bonifacio 7:00 ng gabi nitong Martes, nang humingi ng saklolo ang pasaherong hinablutan ng cellphone.



Ayon sa biktima, sira ang aircon ng van na kaniyang sinasakyan kaya bukas ang bintana nito nang bigla hablutin ni Dagdag ang kaniyang cellphone.

Hinabol ng mga pulis ang snatcher at inabutan. Mayroon pang motorsiklo na naghihintay sa snatcher na Dagdag.

“Para maano po yung girlfriend ko, malagay ko sa ano…mag-a-apartelle sana kami,” ani Dagdag na sinabing monthsary nila ng kasintahan nitong Huwebes, Sept 22.

Natuklasan naman ng mga pulis na dati nang nasangkot sa iba pang kaso si Dagdag gaya ng pagnanakaw, illegal drugs at illegal gambling.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">