Advertisers

Advertisers

Pekeng dentista huli sa Lucena

0 235

Advertisers

DINAKIP ng National Bureau of Investigation -Lucena District Office (NBI-LUCDO) ang isang ginang sa kasong “illegal practice of dentistry” sa Lucena City.

Kinilala ng NBI-LUCDO ang naaresto na si Blanca Perjes Capisonda-Lobusta alias si “Tita Costa”.

Sa ulat, nagsasagawa si Tita Costa ng home service sa kabila ng kawalan ng dental clinic sa Lucena City.



Nang makumpirma ng NBI-LUCDO ang impormasyon, agad ikinasa ang entrapment operation at nahuli sa akto si Tita Costa na nakatakdang magbigay ng anesthesia at naghahanda para sa pagbubunot ng ngipin.

Nakuha mula kay Tita Costa ang mga kagamitan sa ngipin tulad ng salamin sa bibig, dental aspirating syringe, topical anesthetic agent, licodine carpule, dental forcep, cowhorn dental forcep, surgical hand instrument, short needles, at local anesthetic agent.

Kinasuhan siya sa paglabag sa RA 9484, The Philippine Dental Act of 2007.(Jocelyn Domenden)