Advertisers
KINUWESTYON ng ilang senador ang pagpapasuot ng personal protective equipments (PPEs) sa ilang overseas Filipino workers (OFWs) na papalabas ng bansa.
Sa kaniyang privilege speech, pinuna ni Senador Pia Cayetano kung bakit mayroon paring mga OFW na paalis ng Pilipinas na naka-full PPE at may face shield pa.
Ipinakita ni Cayetano ang isang larawan sa airport na nakapila ang mga OFW na naka-PPE na nakuhanan niya nitong nakaraang mga linggo.
Giit ng senadora, diskriminasyon ito sa OFWs o kung hindi naman ay maaaring may nakikinabang sa pagpapasuot ng PPEs sa mga OFW.
Nakipag-ugnayan na ang mambabatas kay Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople tungkol dito at kinumpirma, aniya, ng kalihim na hindi na requirement ang pagpapasuot ng PPEs.
Kaugnay nito, nais ng mga senador na magkaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Migrant Workers tungkol sa isyu.