Advertisers

Advertisers

Motor sinalpok ng truck sa Cavite: 2 nasawi

0 165

Advertisers

PATAY ang magkaangkas sa motorsiklo nang tumbukin ito ng kasalubong na truck van habang bumabagtas sa kahabaan ng Gov. Ferrer drive sa Barangay Manggahan, Gen. Trias City, Cavite, Huwebes ng madaling araw.

Dead on the spot ang dalawang biktima na kinilalang sina Johm Vincent Sualog, driver; at backride na si William Joshua Grepo, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng Gen. Trias City.
Hawak na ng pulisya ang driver ng van na si Ronalde Afable, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon nina Police Sergeant Ernesto Angue Jr. at Police Sergeant Jayson Olivar, mga may hawak ng kaso, 9:10 ng gabi naganap ang aksidente sa kahabaan ng nasabing highway.



May kabilisan umano ang takbo ng truck van at nag-overtook ito sa naunang sasakyan kung kaya nasakop nito ang kabilang lane kungsaan bumabagtas ang motorsiklo ng mga biktima.

Natumbok ng truck ang motor at tumilapon ang mga biktima na kapwa napuruhan ang mga ulo, dahilan ng kaagad nilang kamatayan.

Kasong Reckless Imprudence resulting to Double Homicide & Damage to Properties ang kasong isinampa laban sa driver ng truck.(Irine Gascon)