Advertisers

Advertisers

PAGPAPALIBAN SA BSKE TINUTULAN NG EX-COMELEC COMMISSIONER

0 204

Advertisers

TUTOL si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Luie Guia sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa darating na Disyembre.

Pahayag ni Guia, hindi dapat ipinagkakait ang pagkakataong suriin ang performance ng mga elected barangay officials dahil matagal nang pinaghandaan ng Comelec ang naturang eleksiyon.

Iginiit ng dating poll body na malaking sagabal lamang sa paghahanda ng Comelec ang mungkahing ipagpaliban o iurong muna pansamantala ang halalan.



Mahihirapan ding makapagdesisyon ang ahensya kung kanilang ipagpapatuloy ang paggastos para sa paghahanda para sa botohan kung itutuloy ang pagpapaliban dito.

Ayon pa kay Guia, kung mayroong planong ipagpaliban ang BSK Elections, dapat noon pa ito ginawa o ipinatupad.

Matatandaang noong Martes, inaprubahan na ng mga kongresista ang panukalang i-postponed ang eleksyon ngayong taon.

Habang aprubado na rin sa 2nd reading ng Senado ang panukala na ipagpaliban muli ang nakatakdang eleksyon sa darating na Disyembre.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">