Advertisers

Advertisers

PBBM NAKA-ONE ON ONE SI US PRES. BIDEN

0 228

Advertisers

NAGKAUSAP na ng personal sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden sa naganap na bilateral meeting sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly (UNGA), na idinaraos sa New York, USA.

Sa naturang pagpupulong, pinagtibay pa ng dalawang lider ang rela-syon ng Pilipinas at Amerika.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay katuwang, kaalyado at kaibigan ng Amerika.



Sinabi ni Pangulong Marcos, ang relasyon ng Pilipinas at Amerika ay patuloy na uunlad sa pagharap sa mga hamon ng bagong panahon.

Pinasalamatan nito ang Amerika sa malawak na tulong na natanggap ng bansa sa panahon ng pandemya.

Umaasa ang Punong Ehekutibo na patuloy na makakatuwang ang Amerika sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon na aniya’y ipinagpapasalamat ng lahat. (Vanz Fernandez)