Advertisers

Advertisers

Kumatay sa nobya sa hotel timbog

0 176

Advertisers

ARESTADO ang nobyo ng babaeng natagpuang patay sa isang hotel sa Dumaguete City noong nakaraang linggo.

Ayon sa tagapagsalita ng Negros Oriental Provincial Police Office na si Lt. Colonel Roland Lavisto, salarin ang nobyo sa pagpatay sa 25-anyos nitong kasintahan.

“Nag-check in sila at nag-away. May hard object na ginamit sa pagpatay,” ani Lavisto.
Apat na buwan na umanong magkasintahan ang biktima at salarin.



Sinundan ng mga pulis ang nobyo hanggang sa Bais City kungsaan siya nahuli nitong Sabado.
Biyernes ng hapon natagpuang patay ang biktima na nakitaan ng blunt force trauma.

Napag-alamang may patay sa loob ng kwarto ng hotel nang sinubukang katukin ng receptionist ang pinto at walang sumasagot.