Advertisers

Advertisers

P1.6m shabu nasamsam sa mag-ina at pamangkin na tulak sa Rizal!

0 283

Advertisers

KULONG ang mag-ina at pamangkin na pawang tulak matapos makunan ng P1.6 million halaga ng iligal ng droga sa anti-illegal drugs operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ni Colonel Dominic Baccay, provincial director ng Rizal PNP, kay PRO4A Director Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Joana Babasa alyas Joan, isang high value individual; Ana Mae Oliva at Neavie Guzman, kapwa nakatira sa Rafaela-2, Barangay Ampid, San Mateo.

Ayon kay PSSG Ederico Edrick Zalavaria, 2:35 ng hapon nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng PIU, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), kasama ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at San Mateo PNP kungsaan nadakip ang mag-ina at pamangkin sa Rafaela-2, Brgy., Ampid.



Nakuha sa mga suspek ang 8 plastic sachet ng shabu na may bigat na 240 grams at nagkakahalaga ng P1,632,000.00.

Nakapiit na ang mga suspek.(EDWIN MORENO)