Advertisers
NASAWI ang mag-ama habang sugatan ang 17 iba pa nang araruhin ng 10-wheeler truck ang sinasakyan ng mga biktima sa Barangay Cebuano, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) chief, Rolly Duane Aquino, ang mga biktima na sina Diamaloden Makasaehe, 28 anyos; at anak na si Jannaiden.
Ayon sa report, nawalan ng kontrol ang manibela ng truck na minamaneho ni Albert Zambrano dahilan para gumewang ito sa national highway sa Barangay Cebuano bandang 5:00 ng hapon ng Biyernes.
Mistulang winalis ng gumewang na truck ang mga kasalubong nitong sasakyan, kabilang ang5 motorsiklo, 3 sports utility vehicles (SUV), pick-up truck at pampasaherong bus.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver at sasampahan ng kaukulang kaso.