Advertisers

Advertisers

3 Marines sugatan sa ambush

0 223

Advertisers

SUGATAN ang tatlong kasapi ng 2nd Marine Battalion Landing Team (MBLT 2) sa pananambang sa Barangay Picong, Lanao del Sur , Linggo ng gabi, September 25.

Kinilala ang mga biktima na sina PFC Stephen Saragal, PFC Elijah Taccas at PVT Romy Torallo Jr., pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kinumpirma ang insidente ni Lt.Col. Serge Ronquillo, commanding officer ng MBLT 2.



Nasa pagamutan na at nagpapagaling ng mga sugat ang mga biktima.

Nagpapatrolya sa lugar ang mga sundalo sakay ng isang military KM450 light truck nang paputukan sila ng assaul rifles ng mga hindi pa kilalalang mga salarin.

Nagsasagawa pa ng pursuit operation ang lokal na pulisya at Marines laban sa mga responsible sa ambush.