Advertisers
NASUNOG ang Sta. Cruz Elementary School sa Masantol, Pampanga habang nasa kasagsagan ng pagbayo ang super typhoon ‘Karding’.
Nangyari ang sunog Lunes ng madaling araw.
Ayon sa report, limang classrooms ang kinain ng apoy, at tinatayang 108 estudyante ang nawalan ng silid-aralan.
Handa naman tumulong ang pamahalaan ng Pampanga sa Sta. Cruz Elementary School para mabuo ulit at mabigyan ng silid-aralan ang mga estudyante.
Gumawa naman ng paraan ang lokal na pamahalaan ng Masantol para makapagklase parin ang mga estudyante.