Advertisers
DALAWA ang patay sa pamamaril sa loob ng isang exclusive subdivision sa 14 Narra Street, South Forbes Park, Makati City, Lunes ng gabi.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jay Ar Tomenio at Eugene Sitjar, kapwa private security guards.
Ang nakatakas na salarin ay kinilalang si Julius Cortez, isang driver at security guard.
Sinabi ng testigong si Bernard Saquing sa mga imbestigador na si Cortez ay lasing at naghahanap ng makakain bago ito mamaril at agad tumakas.
“After the shooting, the suspect fled from unkown direction and a continuous manhunt operation being undertaken by SWAT and TMRU personnel of this station for possible arrest,” ulat ng Makati City Police Station.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala, 3 tingga ng pinaputok na bala, at holster ng 9mm caliber.
Ang insidente ay nangyari sa bahay na umano’y inuupahan ni Rose Nono Lin, ang natalong kandidato sa pagkakongresita at inimbestigahan ng Senado sa kanyang papel bilang treasurer at incorporator ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corp.
Ang crime scene ay nasa kabilang kalye lang ng bahay ng economic adviser ni dating Pangulong Rody Duterte na si Michael Yang, isa rin sa major player sa Pharmally fiasco na hanggang ngayon ay nagtatago.
Sa kalye ring ito ang family mansion ni President Ferdinand Marcos Jr. (G. BONILA)