Advertisers
INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 65 na mga overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row ngayon sa ibang bansa.
Sa datos ng kagawaran, 48 sa mga ito ay mga kalalakihan habang ang natitira naman ay mga kababaihan.
Sinabi ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Joseph Gilbert Violago na nag-sponsor din sa proposed 2023 budget para sa DFA, lahat ng mga kaso ng mga kababayan nating OFW ay kasalukuyan nang hinahawakan ng mga abogadong ini-hire ng kagawaran.
Bukod dito ay ibinahagi rin ni Violago na umapela na rin si Foreign Secretary Enrique Manalo para sa executive clemency para kay Mary Jane Veloso alinsunod naman sa naging direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
Matatandaang si Veloso ay nahatulutan ng kamatayan nang dahil sa umano’y pagpupuslit ng ilegal na droga sa Indonesia noong 2010.