Advertisers

Advertisers

Halaga ng piso kontra dolyar bumulusok sa P58.99

0 185

Advertisers

NAITALA ang record breaking na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar matapos na magsara sa P58.99 nitong Martes.

Base sa record ng Bankers Association of the Philippines (BAP), ito na ang ika-limang sunud-sunod na trading day na sumadsad ng husto ang piso.

Noong huling trading ng nakalipas na Biyernes ang isang dolyar ay katumbas ng P58.50.



Sa kabila nito, tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na walang dapat ipangamba dahil nakaantabay naman sila upang protektahan ang piso at inflation rate sa bansa.

Inaasahan din namang makakabawi umano ang piso bago magtapos ang taon dahil sa bubuhos pa ang mga US dollars na remittances mula sa mga overseas Filipinos.

Una nang sinabi ng BSP na hindi malayong magtaas na naman sila ng interest rates kung patuloy na lalakas pa ang dolyar at makikialam pa ang Federal Reserve ng Amerika. (Josephine Patricio)