Advertisers
PUMALO sa P160.1-milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa agri-sector sa pananalasa ng bagyong Karding sa Luzon.
Sa pinakahuling situationer report ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center, aabot na sa 3,780 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyong Karding sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol Region.
Naapektuhan nito ang nasa 16,659 ektarya ng pananim na palay, mais, at high value crops na may production loss na 7,457 metric tons.
Inaasahan ng DA na madaragdagan pa ang pinsala sa agri sector habang nagpapatuloy pa ang assessment sa mga apektadong lugar.
Kaugnay nito, sinimulan narin ng kagawaran na maghatid ng inisyal na tulong sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga binhi, Quick Response Fund at Survival and Recovery o Sure Assistance Program.