Advertisers

Advertisers

Mga magsasaka na naapektuhan ni Karding. inayudahan

0 215

Advertisers

PARA muling makabangon ang mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Karding nagsagawa ng alternatibong programa si dating DAR Secretary Bernie Cruz kasama ang ibang farmers group, business sector at magsasaka action center upang bilhin ang nasalantang palay ng magsasaka sa sa murang halaga sa Nueva Ecija at Tarlac.

Sinabi ni dating DAR Sec. Cruz ang programa ng alternatibong pamimili ng palay ng mga magsasaka ay programa ng dating secretary upang maibenta sa halagang P28/ per kilo sa merkado at matulungan ang mga magsasaka na makabangon sa epekto ng bagyong Karding.

Ayon pa kay Cruz na aabot sa 200 tons na palay ang binili ng kanilang grupo na kinabibilangan ng ilang negosyante, cooperative group, agricultural sector sa mga magsasaka.



“Layunin nito na matulungan ang magsasaka na makabangon sa epekto ng bagyong Karding at mapababa ang bentahan ng bigas sa merkado”sabi ni Cruz sa telephone interbyu.

Nauna rito sa inisyal na pagtaya ng Department of Agriculture ang pinsala ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura ay aabot sa mahigit P160 Milyon at aabot sa 3,700 magsasaka ang naapektuhan ng pinsala sa Cordillera Administrative Region (CAR) Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.

“Layunin ng programa na sa pamamagitan ng magsasaka action center ay direktang makipag-ugnayan sa mga magsasaka upang makatulong muling makabangon sa sinalanta ng bagyo” ani pa ni Cruz .

Ayon pa kay Cruz na layunin nito na ang mga biniling palay ng mga magsasaka sa murang halaga ay maibenta sa mas mababang presyo sa halagang P28/per kilo sa merkado.

Kaugnay nito positibo ang dating kalihim na maaaring maibaba ang presyo ng bigas sa merkado sa mas mababang halaga ngayong Disyembre ng kasalukuyan taon.



Nauna ng ipinanukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang campaign promise nitong nakalipas na election ang pagpapababa sa presyo ng P20 kada per 1 kilo bigas.(Boy Celario)