Advertisers

Advertisers

Nakasagasa sa paslit sumuko na sa Paranaque Police

0 289

Advertisers

NASA kustodiya na ng Parañaque City Police ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa sa isang tatlong taon gulang na bata nitong Lunes.

Kinilala ni Parañaque City Police chief Colonel Renato Ocampo ang sumukong driver na si Rodolfo Codiamat, 68, ng Reymond Village, Parañaque City.

Ang bata, Rheymarie Joy Sumpang, ng Area 1 Bodoni, Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City, ay nasawi habang dinadala sa pagamutan.



Sinabi ni Ocampo na base sa report na kanyang natanggap, nangyari ang aksidente 5:00 ng hapon ng Setyembre 26 sa kanto ng Bodini and Extra Streets at Fourth Estate, Brgy. San Antonio.

Napag-alaman na binabagtas ni Codiamat lulan ng minamanehong Toyota Fortuner ( NCV 4752) ang kahabaan ng Bodoni Street nang biglang tumawid ang bata at ito’y nasagasaan.

Kasalukuyang nasa kustodiya si Codiamat ng Parañaque City Police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Parañaque City prosecutor’s office.