Advertisers
Inilunsad kaninang umaga ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang kanilang mobile police outpost na siyang magagamit na movable outpost kahit saan lugar ilagay o ilipat kapag kinakailangan sa isang lugar.
Ang naturang proyekto ay sinimulan sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO OIC Chief P Brig Gen Jonnel Estomo.
Sa isinagawang inspeksyon kanina ni NCRPO Spokesperson P Lt Col. Dexter Versola kasama si NCRPO PIO Chief P/ Major Anthony Alising sa Aseana sa harap ng PITX sa lungsod ng Paranaque ipinagmalaki ng mga opisyal ang naturang proyekto. (CESAR MORALES)