Advertisers

Advertisers

Mahigit 9K barangays talamak parin ang droga – PDEA

0 140

Advertisers

INIHAYAG ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva na mahigit 9,000 pang mga barangay ang talamak ang bentahan ng iligal na droga.

Inamin ito ni Villanueva sa gitna ng pagdinig sa 2023 budget ng PDEA.
Ani Villanueva, 9,590 barangays mula sa kabuuang 42,046 barangays ang drug affected pa hanggang sa ngayon.

Sinabi pa nito, nagbabago rin ang modus operandi ng mga sindikato na nagpapasok ng iligal na droga sa bansa.



Isa sa mga natuklasang modus ngayon ay ibinabagsak na lamang ng mga sindikato sa international waters ang container ng iligal na droga at ito ay aabangan ng mga kasabwat sa dalampasigan dahil mainit sa mata ng mga awtoridad kung sila ay magbabangka.

Dagdag pa ni Villanueva, kabilang ito sa mga gagastusan ng ahensya sa kanilang budget para sa susunod na taon.