Advertisers

Advertisers

MAJOR RAILWAY PROJECTS TOP PRIORITY NG MARCOS ADMINISTRATION – DOF

0 179

Advertisers

SINIGURO ng Department of Finance (DOF) na top priority pa rin ng Marcos Jr. administration ang mga railway projects ng gobyerno.

Pahayag ito ni Sultan Kudarat 2nd District Representative Horacio Suansing Jr, na siyang sponsor ng budget ng ahensiya.

Sa interpelasyon ni Minority Leader Rep. Marcelino Libanan kay Congressman Suansing tinanong nito kung ano na ang update sa mga railway projects ng gobyerno at kung matutuloy pa ang mga ito.



Sagot naman ni Suansing na prayoridad ng gobyerno ang tatlong railway projects.

Kinumpirma rin nito na tuloy pa rin ang Mindanao Railway project sa kabila ng pag atras ng China sa nasabing proyekto.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Libanan dahil mayroon ng mga proposal sa interest sa mga nasabing loan lalo at mataas ang interest rates sa mga foreign loans.

Dahil dito pinabibilis ni Libanan ang mga nasabing proyekto para hindi masayang ang proyekto.

Pinuna rin ng mambabatas na ang railway project sa Mindanao na hindi umano dumaan sa Samar at Leyte na dumudugtong sa Luzon at Mindanao na aniya ay dapat ay magka-kadugtong para mas mabilis ang paglago ng bansa.



Tinanong din ni Libanan kung asahan na ba na sa susunod na taon ay hawak na ang proposed appropriations para sa nasabing mga pondo.

Sagot naman ni Suansing na lahat ng loans para sa nasabing railway projects ay “under negotiation” pa rin at hindi pa matiyak kung makukuha na ng Pilipinas ang loan proceeds.