Advertisers

Advertisers

Truck niratrat sa Sibugay: 3 sugatan

0 182

Advertisers

TATLONG trabahador ng isang kompanya na bumibili ng goma ang sugatan sa pananambang sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay, Martes ng hapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Roel Lunggaquit, Ruben Sebastian, at Jovanie Asenjo na kaagad naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayon kay Police Colonel Eduard Mallo, provincial director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (ZSBPPO), naganap ang insidente sa Purok Bangkal, Barangay Timbabauan , Tungawan.



Sa imbestigasyon ng Tungawan Municipal Police Station (Tungawan MPS), lulan ang mga biktima ng isang truck na pag-aari ng isang local rubber firm papuntang Barangay Sisay upang mamili ng raw rubbers nang paagbabarilin ng armadong grupo.

Tumalon mula truck ang ibang mga biktima at humingi ng saklolo sa mga residente.

Narekober ng mga rumesponding pulis mula sa ambush site ang mga basyo ng kalibre 45 at 9mm na pistola.

Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">