Advertisers
PATAY ang isang ahente ng Philippine Army nang barilin ng kagawad ng Philippine National Police nang mapagkamalang masamang tao ng huli sa Pikit, Cotabato Huwebes ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Sgt. Roy Degamo ng Military Intelligence 12 na naka-base sa Maguindanao province.
Ang salarin ay kinilalang si Police Sgt. Chris Paul Aniñon Baldo.
Ayon sa report, bumunot diumano ng baril si Degamo nang sitahin ni Baldo, pero nauna siyang putukan ng pulis.
Ngunit ayon sa mga testigo, nasa holster pa sa bewang ang baril ni Degamo at hindi nagalaw nang siya ay binaril ni Baldo sa tapat ng tindahan ng biyenan ng pulis.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.