Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang babae nang tawagin niyang “whore” o “pokpok” ang kanyang kapitbahay na menor de edad.
Kinilala ang dinakip na si Jean Alcontin Villejo, 40 anyos, ng Purok Happy Valley, Barangay West Poblacion, Naga, Cebu.
Inaresto si Villejo ng mga tauhan ng City of Naga Police Station 1:45 ng hapon ng Miyerkoles, Setyembre 28.
Sa ulat, umiiyak nang umuwi ng bahay ang menor de edad na biktima at binanggit sa mga magulang ang pagtawag sa kanyang pokpok ni Villejo noong Marso.
Nagsampa ng reklamo sa barangay ang mga magulang ng bata at dahil sa walang tigil ang pag-iyak ng biktima nang ma-depress itinuloy nila ang kaso.
Nahaharap si Villejo sa kasong paglabag sa Republic Act 7610, “An act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination, and for other purposes.”
Inilabas ang warrant of arrest laban kay Villejo ni Regional Trial Court Branch 76 Judge Albie Carmelo Pescadero noong Marso 4.
Kasalukuyang nakakulong si Villejo. May piyansang P80,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.