Advertisers

Advertisers

5 ‘Bading’ na kidnappers, timbog

0 206

Advertisers

Arestado ang limang miyembro ng kidnapping Group na binuo ng isang transgender ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang operation sa Parañaque City.

Kinilala ni BGen Ronald O. Lee, CIDG Director ang mga nadakip na sina Jun Francis Pavillar Villa, Lawrenz Descartin Lingo, Jhonas Grimpula Belonio, Bernard Ty Flores at Joseph Dagame Pelonio na pawang mga miyembro ng Warlan Kidnapping Group na pinaumunuan ng isang Mikey Ebol alias Mike Collando Ebol, na nag-o-operate sa Southern Part ng Metro Manila partikular na sa Parañaque, Pasay, Taguig at Makati City.

Napag-alaman na ang modus ng mga suspek, gumagamit ng mga magagandang babae sa pamamagitan ng dating apps upang makaakit ng mga bibiktimahin at sa sandaling makipagkita ang biktima kanila itong dudukutin at dadalhin sa safety house. Hihingi ng ransom ang mga suspek sa kaanak ng biktima at sa sandaling maibigay ang ransom kanilang aabondonahin ang biktima sa isang lugar sa Metro Manila.



Ayon kay Lee, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na elemento ng CIDG, PNP-Anti Kidnapping Group (PNP AKG) at nasagip ang isang 58 anyos na Taiwanese businessman sa Parañaque city.

Nabatid na kinidnap ng grupo ang biktima si Michael Lee, Taiwanese national noong Sept. 3, 2022 sa SM BF Homes, Parañaque city. Pinalaya ng mga suspek ang biktima noong Sept. 7 nang makapagbigay ng P308,000.00 ramson ang kaibigan sa pamamagitan ng G-cash.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, natukoy ang mga transaction ng G-cash at pinadalhan ng pera na sina Dewie Shaine Collado Garcia, Charlemagne Oluna Vargas at Christina Parades. Inamin ng tatlo na pag-aari at ibinigay ni Ebol ang sim card.

Sinabi ni Lee na nabuo ang Warla Group noong 2018 na binubuo ng 9 na miyembro ng transgender women, na nakapagbiktima na ng 14 na dayuhan kabilang si Lee at nakakolekta na ng kabuan P4.2 million ransom na ginagamit para sa kanilang surgery o sa kanilang pagpapaganda para magmukhang mga babae.

Patuloy ang manhunt operation laban kay Mickey Ebol at iba pang mga miyembro ng grupo. At nasa kustodiya ng CIDG ang mga naaresto suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.
(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">