Advertisers
Patay ang tatlong miyembro ng pamilya at tatlo ang sugatan sa pananaga ng baliw na kamag-anak sa bayan ng Glan sa Sarangani province.
Kinilala ang mga nasawi na sina Arriana Pondong, 4 anyos; Botyok Pondong, 2 anyos, mga anak ng salarin; habang sugatan sina Rose Ann Pondong, 26 anyos, bayaw ng salarin; Ashley Pondong, 7 anyos, at Vincent Pondong, 2 weeks old, pamangkin ng suspek.
Samantala, nabaril-patay ang salarin na si Jovel Pondong, 30 anyos, ng tiyuhin nitong barangay tanod nang rumesponde sa pananaga nito.
Ayon sa Police Regional Office-12, naganap ang madugong insidente sa tahanan ng mga biktima sa Sitio Cogon sa Barangay Datalbukay sa bayan ng Glan nitong Sabado, October 1, 2022.
Sa report, madalas na sinusumpong ng pagkawala sa katinuang pag-iisip si Pondong.
Sa ngayon, nagpapagaling pa sa pagamutan ang mga sugatang biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan.