Advertisers

Advertisers

DTI nagbabala sa mga online sellers na sinasamantala ang paghina ng piso kontra dolyar

0 156

Advertisers

NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online sellers na sinasamantala ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar para itaas ang presyo ng kanilang mga imported na produkto.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, dapat pa ring sumunod ang mga online sellers sa presyong itinakda ng departamento lalo’t galing sa ibang bansa ang kanilang itinitinda.

Paalala ni Cabochan ang parusang naghihintay sa sinumang mananamantala lalo’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.



Nitong Lunes, bumagsak pa sa 59 pesos ang palitan ng piso kada isang dolyar na 12 beses nang pinakamababa ngayong taon. (Josephine Patricio)