Advertisers

Advertisers

PBBM handang idetalye ang weekend Singapore trip

0 162

Advertisers

HANDA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na idetalye sa publiko ang resulta ng kanyang pagtungo sa Singapore nitong nakalipas na week end.

Sa kanyang facebook post, inihayag ni Pangulong Marcos na naging produktibo ang kanyang weekend sa Singapore dahil may kaugnayan ito sa kanyang pagnanais at pagsisikap na makahikayat ng mga foreign investor para mamuhunan sa bansa.

Nakasaad din sa post ng punong ehekutibo ang tila pagpapahiwatig na may dala siyang magandang balita na may kinalaman sa pagnenegosyo.



Sinabi pa ni Pangulong Marcos, napaka-fulfilling na maimbitahan sa nangyaring aktibidad nitong nakaraang linggo, kasama ang ilang dignitaries at nakaharap din ang mga bagong negosyanteng mga kaibigan na pawang nagpahayag ng kahandaang magtayo ng puhunan dito sa Pilipinas.

Giit ng punong ehekutibo, kanyang ibabahagi ang mga detalye nito sa mga darating na araw. (Vanz Fernandez)