Advertisers
TINATAWAGANG pansin ng korner na ito ang ating butihing lawmaker na si Sen.Bong Go pinuno ng Senate Sports Committee kaugnay ng dapat ay pinagpupugayan nang talentadong batang Pinoy na nakapagbibigay na ng karangalan sa bansa.
Nitong nakaraang talakayan namin sa larangan ng sports,naging bisita ng aming weekly TOPS Usapang Sports ang penominal na Batang Pinoy pingponger na si Khevine Keith Cruz na nakasungkit ng SILVER medal sa nakaraang World Youth Table Tennis Contender – Thailand.
Sa murang edad ni Khevine,younger brother ng isa pang table tennis sensation- ang national women’s team member na si Keith Rhynne Ctuz ,batid na niya ang essence ng kumpetisyon sa larangang inilalaro niya ngayon at di man lang nabakas sa kanya na ninerbyos habang kaponger ang ibang lahi sa ibayong dagat.
Naging motibasyon kasi niya na lumaban nang husto sa pang- international na torneong nilahukan ng iba’t -ibang lipi kaya nakapag-uwi siya ng silver medal sa kanyang unang pagdayo sa tulong ng mga generous na kaibigan ng kanyang pamilya at ni Ting Ledesma- pinuno ng NSA sa ping pong na PTTFI.
Isipin na lang na ang isang batang tulad niya ay magwagi ng medalya sa larangang dominado ng mga Europeans at sa ibang parte ng ating kontinente.
Sagot niya sa mga tanong ng ating ka-Tops ay di man lang siya kinabahan, basta aniya ang hangad niya ay magwagi at maipagmalaki niya ang medalya sa kinauukulan ,siyempre di naman niya kilala kung kanino basta sa kapwa-Pilipino,kaeskwela at batang tulad niya.
Hindi rin alam ng onse anyos na future table tennis star na kung gaano ang halaga para sa bansa ang kanyang murang edad na kagitingan.
Kaya nga dapat lang na kilalanin ng ating mga opisyal sa Ph sports ang ganitong tagumpay ng isang batang atleta tulad ni Khevine,ay maimbitahan sa kanilang tanggapan upang personal na batiin partikular ni Senator Bong Go ang batang world table tennis junior contender silver medalist na si Khevine.
Tiyak na lalo pang makaka-inspire at ma-motivate ang bata para sa future tournaments .Kaya huwag nang antaying mag-gold pa muna ang silver bago siya kilalanin ng ating sports committee head SBG..motivate them young..GO Khevinne..GO now na..ABANGAN!