Advertisers

Advertisers

2 PWD, tiklo sa panghoholdap sa QC

0 179

Advertisers

Inaresto ang dalawang persons with disability (PWD) nang holdapin ang isang construction worker sa Quezon City.

Ayon sa biktima, pauwi na siya at naglalakad sa Barangay Commonwealth nang harangin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Salaysay pa ng biktima, tinutukan siya ng kutsilyo at kinuha ang kanyang cellphone.



At pagkakuha sa cellphone ng biktima, mabilis itong tumakbo sa barangay tanod at humi-ngi ng tulong.
Rumesponde agad ang mga pulis at naabutan ang mga suspek.

“Buti na lang naabutan. Kasi hindi umaandar ang motor ng mga suspek. So napag-alaman din na nakainom ang mga suspek,” wika ni Police Lieutenant Colonel Morgan Aguilar, Batasan Police Station commander.

Dinala sa Batasan Police Station ang dalawang suspek at doon na nalaman na may kapansanan ang mga ito.

Kumuha ng sign language interpreter ang mga pulis na nadiskubreng dati palang guro ang mga suspek.

“It turns out itong interpreter ay dati nilang teacher sa SPED, special education. Kaya na-identify talaga sila na deaf and mute,” kuwento ni Aguilar.



Naipaliwanag sa pamamagitan ng sign language sa mga suspek ang kanilang mga karapatan.

Ayon sa mga suspek, nag-iinuman sila kaya raw nila nagawa ang krimen ngunit naubos na ang kanilang inumin at wala na silang pambili. Dito na nila naisip na mangholdap na lang.

Narekober ng mga awtoridad ang kutsilyong ginamit, cellphone ng biktima, at motorsiklo ng mga suspek.

Sa report, desidido naman ang biktima na magsampa ng kasong robbery laban sa mga suspek.

“Sana huwag nilang ulitin. Magtrabaho sila nang maayos. Malalaki pa mga katawan nila,” pahayag ng biktima.