Advertisers

Advertisers

Napipintong monopolya ng Grab pinaiimbistigahan sa Kongreso… Grupo ng mga motorcycle taxi riders dumulog kay Manila Cong. Chua laban sa MoveIt – Grab deal

0 199

Advertisers

MGA motorcycle taxi riders at mga organisasyong sibiko kasama ang mga TODA (Tricycle Operator Driver Association) ang dumulog sa tanggapan ni Manila Congressman Joel R. Chua na siya ring Vice Chairman ng Metro Manila Development na komite ng mababang kapulungan upang talakayin ang kanilang mga isyu at hinaing ukol sa industriya ng motorcycle taxi at delivery.

Isa sa mga pinakambigat na tinalakay ay ang kinumpiramng pagbili ng Grab Philippines sa MoveIt, isa sa mga tatlong na-akreditong kasali sa motorcycle taxi pilot program ng gobyerno.

Isa sa mga organisasyong sumama sa dialogo kay Congressman Chua ay ang ARANGKADA Riders Alliance na pinamumunuan ni National Chairman Rod Cruz. Nanawagan ang grupo sa mababang kapulungan para sa isang masusing imbestigasyon ng Grab Philippines at MoveIt deal. Iminungkahi ng grupo na ang pagbili ng Grab Philippines sa MoveIt ay isa lamang paraan upang agarang makapasok ang Grab sa programa ng gobyerno o kung tawagin ay “backdoor entry”. Idinagdag pa na isang malaking isyu ay ang di maayos na track record ng Grab sa pagtrato nito sa kanilang mga rider, driver, at mga pasahero.



“Ang aming hiling ay tapusin na ang pinasimulang pagaaral ng DOTr three years ago upang gamiting basehan ng pagbalangkas ng batas na nagbibigay linaw at pagsasaayos ukol sa mga motorcycle taxis,” ani ni Cruz. Kaniyang idinagdag, “Sana ay maipasa na ang batas upang magkaroon na ng mga kaukulang guidelines at regulasyon bago pa payagang makapasok ang mga katulad ni Grab sa pamamagitan ng pagbili kay MoveIt.”

Ating maalala na si dating Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ay nagbigay ng utos na bumuo ng isang Motorcycle Technical Working Group upang mapag-aralan ang posibilidad na magsilbing pampublikong sasakyan ang mga motorsiklo.

Kabilang sa binuong TWG ay ang DOTr, LTO, LTFRB, PNP-HPG, MMDA, and Senado at Kongreso, mga commuter welfare groups, mga nag aadbokasiya ng kaligtasan sa lansangan, mga manufascturer at organisasyon ng mga motorsiklo, at law schools.

Dagdag ni Cruz, “Patuloy na nalalagay sa alanganin ang mga driver at mga pasahero hanggang walang batas na nababalangkas ang kongreso at ang mga galwang tulad ng backdoor na pagpasok ni Grab sa programa ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.”

SInabi pa ng grupo na ang tamang pagpasok ni Grab ay sa tuwirang pag-file ng accreditation sa TWG.



“Ang nagpapalala sa sitwasyon ay ang patay-malisyang mga mungkahi ng General Manager ng MoveIt na si Wayne Jacinto na napagalaman natin na dating empleyado ni Grab bilang Driver Operations Head na walang backdoor entry na nangyari,” diin ni Cruz.

“Ang front door sana ay ang sinabi nating pag file ng accreditation ngunit kung inyong naaalala, binawi ni Grab ang kaniyang aplikasyon at biglang ngayon, binili na nila ang MoveIt.”

Dagdag pa ng ARANGKADA Riders Alliance National Chairman na maraming nang mga indikasyon noon pa man na tumutukoy sa kagustuhang pumasok ni Grab gamit ang MoveIt.

Noong Setyembere-2021, sinuspindi na ng Motrcycle TWG ang napipintong partnership ng Grab at ng MoveIt na magbibigay daan para magamit ng MoveIt ang Grab app para makakuha ng mas maraming pasahero.

At noong Disyembre rin ng 2021 nag utos na ang TWG na permanenting itigil ang partnership ng Grab at MoveIt sa kadahilanang ang pagpapatuloy nito ay para na ring nagsasaad na ang Grab ay isa sa mga na-akreditong mga motorcycle taxi operators at iginiit nito na maari lamang pumasok ang Grab kapag may naipasa nang batas.

Unang napabalita ang mga hinaing na mga ito noong Setyembre sa isang presscon kasama ang Lawyers for Commuter Safety and Protection, National Public Transport Coalition, ARANGKADA at Digital Pinoys ay humihingi na ng isang imbestigasyon ukol sa kaduda dudang bilihan. (CESAR MORALES)