Advertisers

Advertisers

P1M reward vs killer ni Percy Lapid

0 239

Advertisers

Mariin kinondena ni Atty. Alex Lopez ang pagpatay sa isang batikang komentarista na si Percival Carag Mabasa a.k.a. Percy Lapid, radio commentator ng DWBL, at residente ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.

“Percy Lapid’s relentless passion for truth and justice has become an equilibrium for preserving good governance and real public service in the national and local government,” pahayag ni Atty. Lopez.

Tinambangan si Mabasa ng mga salaring sakay ng motorsiklo sa Aria St, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City, Lunes ng gabi, Oktubre 3, habang lulan ng kulay itim na Toyota Innova na may plakang NGS 8294.



Ayon kay Las Piñas City Police Chief Col. Jaime Santos, posibleng plano talagang patayin si Mabasa dahil na rin sa mga tinamo nitong tama ng bala ng baril sa ilalim ng tenga na itinuturing ng pulisya bilang “fatal.”

Bunsod ng nakagigimbal na pangyayaring ito, nag-alok ng P1 milyong pabuya si Atty. Lopez sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa pumaslang kay Mabasa.

“We will be giving one (1) million pesos reward to who can give strong information of the perpetrator. The reward money is for speedy apprehension of murders of media personalities.”

“Magbibiigay ako ng reward na P1 milyon on anyone who can give info to the perpetrators. Pero hindi dapat patayin ito, in the name of press para hindi tularan. Kailangan mahuli ang gumawa nito kay Percy.

Kasi papatayin na lang ang media at ganuon na lang pala kadali ang pumatay ng press. The reward is not for Percy along but to apprehent murders of media personalities,” pahayag pa ni Atty. Lopez.



“We believe that we need to set an example to those who play gods over the lives of the members of the media, and may this put an end to the senseless killings of journalists,” dagdag pa ni Lopez.

Ayon kay Lopez, hindi dapat kailanman binubuwag ang malayang pamamahayag at pagpapatahimik sa boses ng katotohanan.

Umaasa si Lopez na gagawin lahat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) upang madakip ang mga salarin at maituro ang utak ng krimen.

“We call on our law enforcers for the speedy administration of justice for media stalwart, Percy Lapid.”
Iginiit pa ni Lopez na panahon na upang putulin ang walang habas na pagpatay sa mga miyembro ng mamamahayag.

Nananatili si Lopez na isang civil servant at kaalyado ng mga mamamahayag.

Kaya hinihiling ni Atty. Lopez sa lahat ang pagkakaisa at kapatawaran upang makamit ang hustisya ng mga namayapang mamamahayag.

At sa makapagbibigay ng impormasyon para agarang makamit ni Mabasa ang hustisya maaaring makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.