Advertisers
Mayroon ng mga “person of interest” na tinitignan ang Philippine National Police (PNP) na posibleng may kinalaman sa pagpatay kay Percival Mabasa sa Las Piñas City nitong Martes.
Ayon kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin, mayroon nang ‘person of interest’ na tinitignan ang mga imbestigador nguni’t sa ngayon patuloy pa rin ang pangangalap ng mga sapat na ebidensiya.
“We are looking at different persons of interest but as of now we cannot yet determine kasi napakamahirap magsabi tayo ng wala pang mga sufficient evidence,” saad ni Azurin.
Sinabi ni Azurin na patuloy parin ang pagdetermina sa posibleng motibo ng mga suspek dahil maraming personalities ang tinitinganan gayundin ang mga posibleng angulo
“This point in time we are really careful in determining the motive of the killing of sir Percy Lapid,” saad ni Azurin
Kaungay nito, tiniyak naman ni Azurin sa pamilya Mabasa na gagawin lahat ng PNP upang malutas at madakip sa lalong madaling panahon ang mga suspek.
Ang paniniyak, ginawa ni Azurin nang dumalaw ito sa burol ni Mabasa sa Funeral Paz Memorial, Sucat, Parañaque city.
“Kanina nagpunta ako sa wake ni sir Percy and I gave them the assurance na sisiguraduhin ng ating kapulisan na tututukan at iimbestigahan ang kaso na ito hanggang sa mahuli, ma-identify natin at masampahan ng kaso lahat po ng may kinalaman sa kanyang pagkamatay,” pahayag ni Azurin.
Inatasan na rin ni Azurin ang District Director ng SPD na tignanan ang mga posibleng kuha ng mga CCTV na maaring makapagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agarang pagkakadakip. (Mark Obleada)